The Holy Bible

Mga Awit 9

Tagalog ULB (Unlocked Literal Bible)

Scripture for the journey

“All scripture is God-breathed and is profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness that the man of God may be complete, equipped for every good work.”
2 Timothy 3:16–17
The Holy Bible: an open Bible beneath a glowing Orthodox cross, with an ancient scroll and the Gospel of John on a tablet

Bible Corner

The Holy Bible

Read, Listen, Search, Study, Grow

AndBibleKJT Study Companion:
AndBible

My Study SpaceYour reading journey and your Bible study

My Bible studyTap to open your bookmarks and notes
Saved passages
0 selected
Read and Listen to God's WordChoose a translation, book and chapter, or search the Scriptures
Text size

Mga Awit 9

1 Para sa punong manunugtog; nakatakda sa estilo ng Muth Laben. Isang awit ni David. Buong puso akong magpapasalamat kay Yahweh; ihahayag ko ang lahat ng kamangha-mangha mong mga gawain.

2 Magagalak ako at magsasaya sa iyo; aawit ako ng papuri sa iyong pangalan, Kataas-taasan!

3 Kapag bumalik ang mga kaaway ko, madadapa sila at mapupuksa sa harapan mo.

4 Dahil pinagtanggol mo ang aking makatuwirang layunin; nakaluklok ka sa iyong trono, makatuwirang hukom!

5 Sinindak mo ang mga bansa sa pamamagitan ng iyong panlabang sigaw; winasak mo ang masama; binura mo ang kanilang alaala magpakailanman.

6 Nagiba ang mga kaaway tulad ng mga lugar na gumuho nang gapiin mo ang kanilang mga lungsod. Lahat ng alaala tungkol sa kanila ay naglaho.

7 Pero nananatili si Yahweh magpakailanman; tinatatag niya ang kaniyang trono para sa katarungan.

8 Hinahatulan niya ang mundo ng pantay. Gumagawa siya ng makatarungang mga pasya para sa mga bansa.

9 Magiging matibay na tanggulan din si Yahweh para sa mga inaapi, isang matibay na tanggulan sa panahon ng kaguluhan.

10 Nagtitiwala ang nakakakilala ng pangalan mo, dahil ikaw, Yahweh, ay hindi nang-iiwan ng mga lumalalapit sa iyo.

11 Umawit ng mga papuri kay Yahweh, ang namumuno sa Sion; sabihin sa lahat ng bansa ang kaniyang ginawa.

12 Dahil ang Diyos na naghihiganti sa pagdanak ng dugo ay nakaaalala; hindi niya nakalilimutan ang daing ng mga inaapi.

13 Maawa ka sa akin, Yahweh; tingnan mo kung paano ako inaapi ng mga kinamumuhian ako, ikaw na kayang agawin ako mula sa mga tarangkahan ng kamatayan.

14 Para maihayag ko ang lahat ng kapurihan mo. Sa mga tarangkahan ng anak na babae ng Sion magsasaya ako sa iyong kaligtasan!

15 Lumubog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila; nahuli ang mga paa nila sa lambat na tinago nila.

16 Hinayag ni Yahweh ang kaniyang sarili; nagsagawa siya ng paghatol; nahuli sa patibong ang masama dahil sa sarili niyang mga ginawa. Selah

17 Ang mga masasama ay binalik at pinadala sa sheol, ang patutunguhan ng mga bansa na lumimot sa Diyos.

18 Dahil ang mga nangangailangan ay hindi kailanman makalilimutan, o itataboy ang mga pag-asa ng mga inaapi.

19 Bumangon ka, Yahweh; huwag mo kaming hayaang lupigin ng tao; nawa mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.

20 Sindakin mo sila, Yahweh; nawa malaman ng mga bansa na sila ay tao lamang. Selah

☀️ Every day

Today with God

Verse of the day

KJVA
“And when David had called him, he did eat and drink before him; and he made him drunk: and at even he went out to lie on his bed with the servants of his lord, but went not down to his house.”

2 Samuel 11:13

The many names of God

The Chief Cornerstone

Isaiah 28:16· Ephesians 2:20

Changes every 4 seconds

Contact us

Write to us here, or message us on Telegram. Your message comes straight to us.