The Holy Bible

Mga Awit 145

Tagalog ULB (Unlocked Literal Bible)

Scripture for the journey

“All scripture is God-breathed and is profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness that the man of God may be complete, equipped for every good work.”
2 Timothy 3:16–17
The Holy Bible: an open Bible beneath a glowing Orthodox cross, with an ancient scroll and the Gospel of John on a tablet

Bible Corner

The Holy Bible

Read, Listen, Search, Study, Grow

AndBibleKJT Study Companion:
AndBible

My Study SpaceYour reading journey and your Bible study

My Bible studyTap to open your bookmarks and notes
Saved passages
0 selected
Read and Listen to God's WordChoose a translation, book and chapter, or search the Scriptures
Text size

Mga Awit 145

1 Ipagbubunyi kita, aking Diyos na Hari; pupurihin ko ang iyong pangalan magpakailanman.

2 Araw-araw pupurihin kita, pupurihin ko ang ngalan mo magpakailanman.

3 Dakila si Yahweh at karapat-dapat na papurihan; ang kaniyang kadakilaan ay hindi matatagpuan.

4 Ang isang henerasyon ay papupurihan ang iyong mga gawa hanggang sa mga susunod at ipahahayag ang iyong makapangyarihang mga gawa.

5 Magninilay ako sa katanyagan ng iyong kaluwalhatian at sa iyong kahanga-hangang mga gawa.

6 Sila ay magsasalita tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa; ipahahayag ko ang iyong kaluwalhatian.

7 Ihahayag nila ang iyong masaganang kabutihan, at sila ay aawit tungkol sa iyong katuwiran.

8 Mapagbigay-loob at maawain si Yahweh, hindi mabilis magalit at sagana sa katapatan sa tipan.

9 Si Yahweh ay mabuti sa lahat, ang kaniyang mapagmahal na awa ay nasa kaniyang mga gawa.

10 Yahweh, ang lahat ng iyong nilikha ay magpapasalamat sa iyo; silang matatapat sa iyo ay pagpapalain ka.

11 Silang matatapat sa iyo ay magsasalita ng kaluwalhatian ng iyong kaharian, at sila ay magsasabi ng iyong kapangyarihan.

12 Kanilang ipapakilala ang makapangyarihang mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan at ang maluwalhating kadakilaan ng kaniyang kaharian.

13 Ang iyong kaharian ay walang hanggang kaharian, at ang iyong kapangyarihan ay mananatili sa lahat ng henerasyon.

14 Itinataguyod ni Yahweh ang lahat ng bumabagsak at ibinabangon silang mga nanghihinang loob.

15 Ang mga mata ng lahat ay naghihintay para sa iyo; ibinigay mo sa tamang oras ang kanilang pagkain.

16 Binuksan mo ang iyong kamay at pinupunan ang nais ng bawat may buhay.

17 Si Yahweh ay matuwid sa lahat ng kaniyang kaparaanan at mapagbigay-loob sa lahat ng kaniyang ginagawa.

18 Si Yahweh ay malapit sa lahat ng mga tumatawag sa kaniya, ang lahat ng tumatawag sa kaniya ng may pagtitiwala.

19 Tinutupad niya ang nais na mga nagpaparangal sa kaniya; dinidinig niya ang kanilang iyak at inililigtas sila.

20 Pinagmamasdan ni Yahweh ang lahat ng nagmamahal sa kaniya, pero siya ang wawasak sa lahat ng masasama.

21 Sasabihin ng aking bibig ang papuri kay Yahweh; hayaang pagpalain ng sanlibutan ang kaniyang banal na pangalan magpakailanman.

☀️ Every day

Today with God

Verse of the day

KJVA
“And when David had called him, he did eat and drink before him; and he made him drunk: and at even he went out to lie on his bed with the servants of his lord, but went not down to his house.”

2 Samuel 11:13

The many names of God

The Chief Cornerstone

Isaiah 28:16· Ephesians 2:20

Changes every 4 seconds

Contact us

Write to us here, or message us on Telegram. Your message comes straight to us.