The Holy Bible

Mga Awit 139

Tagalog ULB (Unlocked Literal Bible)

Scripture for the journey

“All scripture is God-breathed and is profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness that the man of God may be complete, equipped for every good work.”
2 Timothy 3:16–17
The Holy Bible: an open Bible beneath a glowing Orthodox cross, with an ancient scroll and the Gospel of John on a tablet

Bible Corner

The Holy Bible

Read, Listen, Search, Study, Grow

AndBibleKJT Study Companion:
AndBible

My Study SpaceYour reading journey and your Bible study

My Bible studyTap to open your bookmarks and notes
Saved passages
0 selected
Read and Listen to God's WordChoose a translation, book and chapter, or search the Scriptures
Text size

Mga Awit 139

1 Yahweh, sinayasat mo ako at kilala.

2 Alam mo kung kailan ako uupo at babangon; kahit malayo ka sa akin nauunawaan mo ang aking saloobin.

3 Minamasdan mo ang aking daan at kapag ako ay nahihiga; alam mo ang lahat sa aking pamumuhay.

4 Yahweh, wala akong sinasabi na hindi mo lubos na alam.

5 Sa likuran at harapan ay nandoon ang iyong mga kamay sa akin.

6 Ang ganoong kaalaman ay labis para sa akin; ito ay labis na mataas at hindi ko ito kayang maunawaan.

7 Saan ako maaaring pumunta para makatakas mula sa iyong Espiritu? Saan ako makakalayo mula sa iyong presensiya?

8 Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka.

9 Kung lilipad ako palayo sa mga pakpak ng umaga at pupunta para mamuhay sa pinakamalayong mga bahagi sa kabila ng karagatan,

10 kahit doon ang iyong kamay ang aakay sa akin, at ang iyong kanang kamay ang hahawak sa akin.

11 Kung sasabihin ko, “Tiyak na itatago ako ng kadiliman at ang gabi ang aking magiging liwanag;”

12 hindi makakapagtago kahit ang kadiliman mula sa iyo. Lumiliwanag ang gabi tulad ng umaga, dahil ang kadiliman at liwanag ay magkatulad sa iyo.

13 Ikaw ang humulma sa aking pagkatao; ikaw ang humulma sa akin sa sinapupunan ng aking ina.

14 Magpapasalamat ako sa iyo, dahil ang iyong mga gawa ay kahanga-hanga at kamangha-mangha. Alam na alam mo ang aking buhay.

15 Ang aking katawan ay hindi naitago mula sa iyo noong ako ay lihim na binuo, noong ako ay magulong nilikha sa kailaliman ng mundo.

16 Nakita mo ako sa loob ng sinapupunan; ang lahat ng araw na nakatalaga para sa akin ay nakatala sa iyong libro kahit bago pa ito ang unang nangyari.

17 Napakahalaga ng iyong kaisipan sa akin, O Diyos! Napakalawak ng kanilang kabuuan.

18 Kung susubukan ko itong bilangin, sila ay higit pa sa bilang ng mga buhangin. Sa aking paggising, ako ay nasa iyo pa rin.

19 Kung iyo lamang papatayin ang masasama, O Diyos; lumayo sa akin, ikaw na marahas na tao.

20 Sila ay naghihimagsik laban sa iyo at kumikilos nang may pandaraya; ang iyong mga kaaway ay nagsisinungaling.

21 Hindi ko ba kapopootan ang mga napopoot sa iyo, Yahweh? Hindi ko ba kasusuklaman silang lumalaban sa iyo?

22 Lubos ko silang kinapopootan; sila ay naging mga kaaway ko.

23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso; subukin mo ako at alamin ang aking saloobin.

24 Tingnan mo kung mayroong masamang paraan sa akin, at pangunahan mo ako sa daan ng walang hanggan.

☀️ Every day

Today with God

Verse of the day

KJVA
“And when David had called him, he did eat and drink before him; and he made him drunk: and at even he went out to lie on his bed with the servants of his lord, but went not down to his house.”

2 Samuel 11:13

The many names of God

The Chief Cornerstone

Isaiah 28:16· Ephesians 2:20

Changes every 4 seconds

Contact us

Write to us here, or message us on Telegram. Your message comes straight to us.