The Holy Bible

Mga Awit 17

Tagalog ULB (Unlocked Literal Bible)

Scripture for the journey

“All scripture is God-breathed and is profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness that the man of God may be complete, equipped for every good work.”
2 Timothy 3:16–17
The Holy Bible: an open Bible beneath a glowing Orthodox cross, with an ancient scroll and the Gospel of John on a tablet

Bible Corner

The Holy Bible

Read, Listen, Search, Study, Grow

AndBibleKJT Study Companion:
AndBible

My Study SpaceYour reading journey and your Bible study

My Bible studyTap to open your bookmarks and notes
Saved passages
0 selected
Read and Listen to God's WordChoose a translation, book and chapter, or search the Scriptures
Text size

Mga Awit 17

1 Pakinggan mo ang pagsamo ko ng katarungan, O Yahweh; pansinin mo ang aking panawagan ng tulong! Paglaanan mo ng iyong tainga ang panalangin ko, mula sa mga labi na walang panlilinlang.

2 Hayaan mong ang pagpapawalang-sala sa akin ay magmula sa iyon piling; makita nawa ng iyong mga mata kung ano ang tama!

3 Kung susubukin mo ang puso ko, kung daratnan mo ako sa gabi, lilinisin mo ako at wala kang makikitang anumang masamang balakin; ang bibig ko ay hindi magkakasala.

4 Patungkol sa gawi ng sangkatauhan, sa salita ng mga labi mo kaya lumayo ako sa kasamaan.

5 Ang mga yapak ko ay nanatiling nakatuon sa iyong gabay; ang paanan ko ay hindi lumihis.

6 Nananawagan ako sa iyo, dahil tinutugon mo ako, O Diyos; ibaling mo ang pandinig mo sa akin at pakinggan mo ako sa aking sasabihin.

7 Ipakita mo ang katapatan mo sa tipan sa kaaya-ayang paraan, ikaw na nagliligtas, sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, ng mga kumukibli sa iyo mula sa kanilang mga kaaway.

8 Ingatan mo ako tulad ng sinta mong irog; itago mo ako sa ilalim ng anino ng iyong mga pakpak

9 mula sa presensiya ng masasama na nananakit sa akin, mga kaaway kong pumapaligid sa akin.

10 Wala silang awa kaninuman; ang mga bibig nila ay nagsasalita nang may kayabangan.

11 Pinaligiran nila ang aking mga yapak. Binabalak nila na pabagsakin ako.

12 Tulad sila ng isang leon na sabik para sa isang biktima, tulad ng isang batang leon na nakaabang sa mga liblib na lugar.

13 Tumayo ka, O Yahweh! Lusubin mo sila! Pabagsakin mo sila! Iligtas mo ako mula sa masasama sa pamamagitan ng iyong tabak!

14 Sagipin mo ako mula sa mga tao sa pamamagitan ng iyong kamay, O Yahweh, mula sa mga tao ng mundong ito na ang yaman ay sa buhay na ito lamang! Pupunuin mo ng yaman ang mga tiyan ng iyong mga pinahahalagahan; magkakaroon sila ng maraming anak at iiwan ang kanilang yaman sa kanilang mga anak.

15 Ako, makikita ko ang iyong mukha sa katuwiran; masisiyahan ako sa paggising ko nang ikaw ang aking nakikita.

☀️ Every day

Today with God

Verse of the day

KJVA
“And when David had called him, he did eat and drink before him; and he made him drunk: and at even he went out to lie on his bed with the servants of his lord, but went not down to his house.”

2 Samuel 11:13

The many names of God

The Chief Cornerstone

Isaiah 28:16· Ephesians 2:20

Changes every 4 seconds

Contact us

Write to us here, or message us on Telegram. Your message comes straight to us.